The Official Publication of the College of Science Online Site

Archive for June, 2011

share ko lang itong gawa ko para sa klase namin :) –by: mint

C2 “Ja Mukha” Batch

*Alam kong nakakairita ang kaingayan nila,
Ngunit kapag nasanay ka na,
Makiki-join ka pa!
Di mo na sila mapipigilan,
Sumigaw ka na lang kung kailangan.

*Ikaw ang may ari ng camera,
Ikaw pa ang gagawing tiga-kuha;
Tanong ko lang, sa Dantes ka ba?
at pag napagod na sila, 
may kaunting hirit pa,
“Paki-upload na lang sana”,
at di lang ‘yon, “paki-tag na rin tuwina”.

*professors, laging naha-high-blood,
chalk nila’y lumilipad,
Upua’y kung saan-saan napapadpad;
Pasensya ng mga guro’y nasasagad,
mananahimik lang sandali, sa dati’y babalik din agad.

*Sila’y maraming reklamo,
Gusto nila’y madalin trabaho;
Kung sisipagin man ay ganito:
“Bukas na lang, nakalimutan ko”.

*Sakit man sa ulo talaga,
Sa kabila nito’y magagaling sila;
Sadyang mahirap silang ikumpara,
Pagpasensiyahan na lang, kapag tinatamad pa.

*Sobrang saya nilang kasama,
Sasakit ang tiyan mo sa kakatawa;
Ang batch na ito’y walang katulad talaga,
Saan ka pa?
Dito ka na.

*May sari-sariling grupo man,
Sila pa ri’y nagdadamayan;
Sa oras ng kagipitan, di sila nag-iiwanan.

*Kapag uwian na ang pinag-uusapan,
Kanya-kanya na sila ng dahilan;
Sa oras ng exams,
marami talaga silang alam;
Yan ang tinatawag nilang “wisdom”.

*Sana’y magpatuloy pa ang magandang samahan,
Magkaayos na ang mga may tampuhan;
Tibagin na ang tinatawag na “gap”,
Bago pa mauwi sa pangyayaring masaklap.

*Minsan lang may ganito,
“The Best Batch” sa buhay mo,
C2- “JA MUKHA! Batch”
Tara na’t tayo’y mag-retouch! ^^_

WELCOME TO OUR SITE!

Welcome to our site! 🙂

Design a site like this with WordPress.com
Get started